2
1 Ako ay isa lamang bulaklak na nasa isang kapatagan, isa lamang liryo na nasa isang lambak. Nagsasalita sa kaniya ang lalaki. 2 Gaya ng isang liryo sa mga tinik, gayon ka rin, aking mahal, sa mga dalaga ng aking mga kababayan. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae. 3 Gaya ng puno ng aprikot sa mga puno ng kagubatan, gayon din ang aking minamahal sa gitna ng mga kabinataan. Umuupo ako sa ilalim ng kaniyang anino na may labis na kasiyahan, at ang kaniyang bunga ay matamis sa aking panlasa. 4 Dinala niya ako sa bulwagan ng salu-salo, ang kaniyang bandila sa akin ay pag-ibig. Nagsasalita sa kaniyang mangingibig ang babae. 5 Muli akong palakasin sa pamamagitan ng keyk na pasas at pasiglahin muli sa pamamagitan ng mga aprikot, dahil ako ay mahina sa pag-ibig. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae. 6 Ang kaniyang kaliwang kamay ay nasa ilalim ng aking ulo, at ang kaniyang kanang kamay ay niyayakap ako. Nagsasalita sa ibang mga kababaihan ang babae. 7 Nais kong ipangako ninyo, mga anak na dalaga ng Jerusalem, kasama ng mga gasel at ng mga babaeng usa ng kabukiran, na hindi ninyo gagambalain ang aming pagtatalik hanggang ito ay matapos. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae 8 Nanjan na ang tinig ng aking minamahal! O, parating na siya rito, lumulukso sa ibabaw ng mga bundok, tumatalon sa ibabaw ng mga burol. 9 Ang aking minamahal ay tulad ng isang gasel o isang batang lalaking usa, masdan mo, siya ay nakatayo sa likod ng aming pader, sumisilip sa bintana, sumusungaw sa sala-sala. 10 Ang aking minamahal ay nagsalita sa akin at nagsabi, “Bumangon ka, aking mahal; aking magandang sinta, sumama ka sa aking pag-alis. 11 Tingnan mo, lumipas na ang tag-lamig; tapos na ang tag-ulan at ito ay wala na. 12 Lumitaw na ang mga bulaklak sa lupain; ang oras ng pagpuputol ng puno at ang pag-aawitan ng mga ibon ay dumating na, at ang tinig ng mga kalapati ay naririnig sa ating lupain. 13 Hinihinog ng puno ng igos ang kaniyang mga berdeng igos, at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak; naglalabas ang mga ito ng halimuyak. Bumangon ka, aking mahal, aking magandang sinta, at sumama ka. 14 Aking kalapati, sa mga siwang ng mga batuhan, sa lihim na siwang ng mga bundok, hayaan mong makita ko ang iyong mukha. Hayaan mong marinig ko ang iyong tinig, dahil matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kaibig-ibig”. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae 15 Hulihin ang mga soro para sa atin, ang mga maliliit na soro na sumisira ng mga ubasan, dahil ang ating ubasan ay namumulaklak. 16 Ang aking minamahal ay akin, at ako ay sa kanya; siya ay nanginginain sa mga liryo na may kasiyahan. Nagsasalita sa kanyang kasintahan ang babae 17 Lumayo ka, aking minamahal, bago umihip ang mahinang hangin ng bukang-liwayway at ang mga anino ay maglaho. Lumayo ka; maging tulad ng isang gasel o ng isang batang lalaking usa sa baku-bakong bundok.