11
Ngayon ang pananampalataya ay ang katiyakan ng sino man kung siya ay nagtitiwalang naghihintay sa isang bagay. Ito ang katiyakan tungkol sa hindi pa nakita. Sapagkat sa pamamagitan nito pinagtibay ang ating mga ninuno dahil sa kanilang pananampalataya. Sa pamamagitan ng pananampalataya, nauunawaan natin na nilikha ang buong sanlibutan sa pamamagitan ng utos ng Diyos, upang kung ano man ang nakikita ay hindi nilikha mula sa mga bagay na nakikita. Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Abel ay nag-alay ng mas higit na kalugod-lugod na handog sa Diyos kaysa sa ginawa ni Cain. At dahil dito pinuri siya sa pagiging matuwid. Pinuri siya ng Diyos dahil sa mga handog na kaniyang inialay. Dahil diyan, si Abel ay nagsasalita pa rin kahit na siya ay patay na. Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Enoc ay kinuha pataas at hindi nakita ang kamatayan. “Hindi siya nahanap, dahil siya ay kinuha ng Diyos.” Sapagkat ito ay sinabi sa kaniya na ang Diyos ay nalugod sa kaniya bago siya kunin. Kung walang pananampalataya hindi maaaring bigyan ng kaluguran ang Diyos, at ang sino man na lalapit sa Diyos ay kinakailangang manalig na siya ay umiiral at gagantimpalan niya ang sino man na humahanap sa kaniya. Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Noe, ay binalaan ng Diyos ukol sa mga bagay na hindi pa nakita, nang may maka-diyos na paggalang ay gumawa ng isang daong upang mailigtas ang kaniyang pamilya. Sa paggawa nito, hinatulan niya ang mundo at naging tagapagmana ng katuwiran na nanggagaling sa pananampalataya. Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Abraham nang siya ay tinawag, Siya ay sumunod at nagtungo sa lugar na kaniyang tatanggapin bilang isang tagapagmana. Pumunta siya na hindi niya nalalaman kung saan siya tutungo. Sa pamamagitan ng pananampalataya siya ay nanirahan sa lupang ipinangako bilang isang dayuhan. Siya ay namuhay sa tolda na kasama sina Isaac at Jacob na parehong tagapagmana ng pangako. 10 Ito ay dahil sa tumingin siya sa hinaharap sa pagtatayo ng isang lungsod na ang arketekto at tagapagpatayo ay ang Diyos. 11 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Abraham, at kahit na si Sarah mismo ay tumanggap ng kakayahang magbuntis kahit sila ay matanda na, sapagkat itinuring nila ang Dios na tapat, ang nangako sa kanila ng isang anak. 12 Samakatuwid galing din sa lalaking ito na malapit ng mamatay ay maipapanganak ang hindi mabilang na salinlahi. Sila ay naging kasing dami ng mga bituin sa langit at nang hindi mabilang na mga butil ng buhangin sa tabing dagat. 13 Ang lahat ng ito ay namatay sa pananampalataya na hindi tinanggap ang mga pangako, sa halip kahit malayo pa nakita at tinanggap na nila, na sila ay mga dayuhan at banyaga dito sa lupa. 14 Kaya sa mga nagsasabi ng ganoong mga bagay ay nagbibigay linaw na sila ay naghahanap ng kanilang sariling bayan. 15 Sa katunanayan, kung ang iniwan nilang lupain ang kanilang iniisip, sila ay may pagkakataon pang bumalik, 16 Subalit naghahangad sila ng mas mabuting bayan, na isang makalangit. Kaya naman hindi nahihiya ang Diyos na tawaging kanilang Diyos sapagkat naghanda siya ng isang lungsod para sa kanila. 17 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Abraham pagkatapos subuking ialay si Isaac. Oo siya na masayang tumanggap ng mga pangako ay inialay ang kaniyang nag-iisang anak, 18 tungkol sa kaniya ang sinabi, “Magmumula kay Isaac ang iyong mga salinlahi.” 19 Isinaalang- alang ni Abraham na bubuhayin ng Diyos si Isaac mula sa mga patay, at sa matalinhagang pagsasalita, natanggap niya siyang muli. 20 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na pinagpala ni Isaac sina Jacob at Esau tungkol sa mga bagay na darating. 21 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Jacob, nang siya ay mamamatay na, pinagpala niya ang bawat isa sa mga anak ni Jose. Si Jacob ay sumamba na nakahilig sa taas ng kaniyang tungkod. 22 Ito ay sa pamamagitan din ng pananamplataya na si Jose, nang malapit na ang kaniyang katapusan, ay nagsalita patungkol sa paglisan ng mga anak ng Israel mula sa Egipto at inutos na dalhin kasama nila ang kaniyang mga buto. 23 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Moises, nang siya ay ipanganak ay itinago siya ng kaniyang mga magulang ng tatlong buwan dahil nakita nila na siya ay isang magandang bata at hindi sila takot sa utos ng hari. 24 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Moises, nang lumaki na ay tumangging tawagin na anak ng anak na babae ni Faraon. 25 Sa halip, pinili niyang makibahagi sa paghihirap ng mga tao ng Diyos kaysa sa magpakasaya sa panandaliang aliw ng kasalanan. 26 Itinuring niya na ang kahihiyan sa pagsunod kay Cristo ay higit pa sa kayamanan kaysa sa mga yaman ng mga Egipto, sapagkat itinuon niya ang kaniyang paningin sa hinaharap na darating na gantimpala. 27 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Moises ay iniwan ang Egipto. Hindi siya natakot sa galit ng hari, sapagkat tiniis niya sa pamamagitan ng pagtingin sa isang hindi pa nakikita. 28 Dahil sa kaniyang pananampalataya sinunod niya ang “Paskua” at ang pagwisik ng dugo upang ang mangwawasak sa bawat panganay ay hindi makahawak sa mga panganay na anak na lalaki ng mga Israelita. 29 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na sila ay tumawid sa dagat ng mga Tambo na parang nasa ibabaw ng tuyong lupa. Nang sinubok ng mga taga Ehipto na gawin ito, sila ay nilamon nito. 30 Sa pamamagitan ng pananampalataya nawasak ang pader ng Jerico matapos silang umikot sa palibot ng pitong araw. 31 Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Rahab, ang babaeng nagbebenta ng aliw ay hindi namatay kasama ng mga suwail, dahil tinanggap niya ng may pag-iingat ang mga ispiya. 32 At ano pa ba ang aking sasabihin? Hindi na sapat ang aking oras kung isasalaysay ko pa ang tungkol kina Gideon, Barak, Samson, Jepta, David, Samuel, at ng mga propeta, 33 na sa pamamagitan ng pananampalataya ay sumakop ng mga kaharian, gumawa ng may katarungan, at tumanggap ng mga pangako. Sila ay nagpatikom ng bibig ng mga lion, 34 pinawi ang kapangyarihan ng apoy, tumakas sa talim ng espada, kung saan gumaling mula sa mga karamdaman, naging tanyag sa pakikipaglaban, at naging dahilan ng pagtakas ng mga sundalong dayuhan. 35 Tinanggap ng mga kababaihan ang kanilang mga patay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay. Ang iba ay pinahirapan, ng hindi tinatanggap ang kanilang paglaya upang maranasan nila ang mas mainam na muling pagkabuhay. 36 Ang iba ay nagdusa ng pangaalipusta, at paghampas, oo, kahit ng mga kadena at pagkakulong. 37 Kung saan binato sila. Nilagari sila sa dalawa. Pinatay sila sa pamamagitan ng espada. Sila ay namuhay na nakadamit ng balat ng mga tupa at balat ng mga kambing na hirap na hirap, nagpakasakit at pinagmalupitan, 38 ( Sila na hindi karapat-dapat sa mundo), naglibot sa ilang, sa mga kabundukan, sa mga kuweba at sa mga butas sa lupa. 39 Bagamat ang lahat ng mga taong ito ay pinagtibay ng Diyos dahil sa kanilang pananampalataya, hindi nila natanggap ang anumang kaniyang ipinangako. 40 May inihanda ang Diyos sa simula pa na mas mainam para sa atin, dahil kung wala tayo hindi sila magiging ganap.